Dr. Jen Cruz is a Medical expert currently in United States

Paano malalaman kung buntis ako? Ano senyales o sintomas pagka buntis ka? Naglilihi

Mga Sintomas ng pagbubuntis: Ano ang unang nangyayari

Alam mo ba ang mga unang sintomas ng pagbubuntis? Mula sa pagkahilo hanggang sa pagod, alamin kung ano ang dapat mong asahan.

Buntis ka kaya? Nasa pregnancy test ang patunay. Ngunit bago ka pa man hindi datnan ng regla, maaari kang magduda – o umasa – na ikaw ay nagdadalang-tao. May mga tao na natatakot namabuntis, lalo na mga disgrasyada o ayaw ipaalam sa magulang dahil sa masyado pa silang bata. Pero wag kalimutan na napakaraming taong gustong magkaanak, ngunit hindi magkaanak dahil sa pagkabaog o ibang dahilan. Kaya't wag magisip magpalaglag o magsisi, dahil napakaswerte mo at maraming gustong maging na sa katayuan mo.


Alamin ang mga unang palatandaan ng pagbubuntis at kung bakit sila umiiral.


Mga karaniwang palatandaan at sintomas ng pagbubuntis

Maaaring kabilang ng mga pinakakaraniwang maagang palatandaan at sintomas ng pagbubuntis ang:


- Hindi pagkakaroon ng regla. Kung ikaw ay nasa tamang gulang na upang magkaanak at lumipas ang isang linggo o higit pa nang hindi dumadating ang inaasahan mong regla, maaaring ikaw ay nagdadalang-tao. Gayunpaman, maaaring makalito ang sintomas na ito kung hindi regular ang iyong pagkakaroon ng regla.


- Masakit at namamagang mga suso. Sa maagang bahagi ng pagbubuntis, maaaring maging sensitibo at mamaga ang iyong mga suso dahil sa mga pagbabago sa hormones. Malamang na mabawasan ang pananakit habang nag-a-adjust ang iyong katawan sa mga pagbabago sa hormones makalipas ang ilang linggo.

- Pagkahilo mayroon o walang kasabay na pagsusuka. Ang morning sickness, na maaaring mangyari anumang oras ng araw o gabi, ay madalas na nagsisimula sa loob ng isang buwan matapos kang mabuntis. Gayunman, mas maaga itong nararamdaman ng ibang babae at ang iba naman ay hindi kailanman ito nararanasan. Bagama’t hindi malinaw kung ano ang dahilan ng pagkahilo sa pagbubuntis, malamang na may kinalaman dito ang mga hormone ng pagbubuntis.


- Madalas na pag-ihi. Maaaring mas madalas mong kailangang umihi kaysa sa karaniwan. Dumadami ang dugo sa iyong katawan kapag ikaw ay buntis, na dahilan upang lumikha ng mas maraming fluid ang iyong mga bato, na siyang napupunta sa iyong pantog.


- Pagod. Napakakaraniwan din ng pagkapagod bilang isa sa mga unang sintomas ng pagbubuntis. Sa unang bahagi ng pagbubuntis, nagtataasan ang lebel ng hormone na progesterone – na nagpapaantok sa iyo.

Iba pang mga palatandaan at sintomas ng pagbubuntis

Kabilang sa iba pang hindi gaanong halatang palatandaan at sintomas ng pagbubuntis na maaari mong maranasan sa unang trimestre ay:


- Pagiging moody o pabago-bago ng mood. Maaari kang maging emosyonal at iyakin dahil sa pagbaha ng hormones sa iyong katawan sa maagang bahagi ng iyong pagbubuntis. Karaniwan din ang pabago-bagong mood.

Ano Kapalaran ko sa 2018?

 

Swerte ba o Malas sa Negosyo sa 2017 at 2018?

 

Bagay ba kami ng Crush ko?

- Pamamaga. Maaari mo ring maramdamang namamaga ang iyong puson sa unang bahagi ng pagbubuntis dahil sa mga pagbabago sa hormones, na kahalintulad ng iyong nararamdaman sa simula ng bawat regla.


- Kaunting pagdurugo o spotting. Minsan, ang kaunting pagdurugo o spotting ang isa sa mga unang palatandaan ng pagbubuntis. Tinatawag na implantation bleeding, nangyayari ito kapag kumakapit na ang na-fertilize na itlog sa lining ng matris – humigit-kumulang 10 hanggang 14 araw matapos ang pagkakabuo ng sanggol. Nagaganap ang implantation bleeding sa panahon ng regla. Gayunpaman, hindi ito nangyayari sa lahat ng babae. Read more: Ano kinaibahan ng regla o mens sa spotting o patak patak na dugo?

- Pananakit ng puson. Nakakaranas ang ilang kababaihan ng kaunting pananakit ng puson sa maagang yugto ng pagbubuntis.


- Pagtitibi. Pinababagal ng mga pagbabago sa hormones ang iyong digestive system, na maaaring humantong sa pagtitibi o kahirapang dumumi. Read more: Bakit mga buntis hindi matunawan ng pagkain?


- Pag-ayaw sa mga pagkain o paglilihi. Kapag buntis ka, maaari kang maging sensitibo sa ilang mga amoy at maaari ring magbago ang iyong panlasa. Tulad ng iba pang sintomas ng pagbubuntis, ang pagpili ng pagkain ay maaaring ibinubunga ng mga pagbabago sa hormones.

- Baradong ilong. Maaaring mamaga, matuyo, at dumugo ang mucous membranes sa iyong ilong dahil sa mas mataas na mga lebel ng hormones at produksyon ng dugo. Maaari kang magkaroon ng sipon o baradong ilong dahil dito.


Buntis ka ba talaga?

Sa kasamaang palad, marami sa mga palatandaan at sintomas na ito ay hindi natatangi sa pagbubuntis. Ang ilan ay nagsasabing may sakit ka o malapit ka nang magkaregla. Gayundin, maaari kang mabuntis nang hindi nararanasan ang marami sa mga sintomas na ito.

Ganoon pa rin, kung hindi ka dinatnan ng regla at may napansing alinman sa mga palatandaan o sintomas sa itaas, bumili at gumamit ng home pregnancy test o pumunta sa iyong doktor. Kung positibo ang iyong home pregnancy test, makipag-appointment sa iyong doktor. Mas maagang makumpirma ang iyong pagbubuntis, mas maaga kang makakatanggap ng pangangalaga para sa pagbubuntis.

Read more: Paghinto ng regla

Kailan ako fertile?

Naiwan ang condom sa loob ng ari


 

...Continue reading

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Since you're here... May we ask for a small favor?

Unlike others, we don’t charge user fees for asking questions from our medical, legal and other experts. This is because we want to keep our services free and accessible to all, regardless of social or financial status.

 

But it’s difficult and expensive work. While more underserved Filipinos are using BuhayOFW, none are paying for it. And advertising revenues across are minimal. Nevertheless, we have costs like any other top site: servers, power, rent, programs, staff, medical/legal experts, etc. We take no government funds; we run on donations.

 

So if you value our work in helping less fortunate Filipino friends – then become a Supporter and help make our future more secure. Help us continue our work.

 

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Ryan Neal  Salapa is a Medical expert currently in the Philippines
Ang pinaka mainam na paraan para malaman kung buntis ka ay ang pagultrasound sayo. Dito makikita kung may baby sa loob ng iyong matres at maaari mo ding mapakinggan ang heartbeat ni baby.

POSIBLENG SENYALES NG PAGBUBUNTIS (POSSIBLE SIGNS OF PREGNANCY)
1. Pagtigil ng menstruation o regla ng mahigit sa 6 na linggo
2. Pakiramdam ng pagkabuntis (lalo na sa mga babaeng nabuntis na dati)
3. Pagsusuka at pagkahilo: ito ay kadalasang nangyayari mula 2-8 linggo matapos ng pagtatalik
4. Pamamaga at paglaki ng mga suso
5. Pagdalas ng pag-ihi
6. Pagkapagod
7. Mga marka ng pagkaunat sa tiyan (stretch marks) Mga ugat-ugat
8. Pakiramdam ng pag-galaw sa loob ng tiyan

MAAARING SENYALES NG PAGBUBUNTIS (PROBABLE SIGNS OF PREGNANCY)
1. Paglaki ng tiyan
2. Positibong Pregnancy Test
3. Pagbabago ng hugis ng bahay-bata
4. Paglambot ng kwelyo ng matris o cervix
5. Paglaki ng bahay-bata
6. Pagkapa sa sanggol sa loob ng matris o uterus

SIGURADONG SENYALES NG PAGBUBUNTIS (DEFINITIVE SIGNS OF PREGNANCY)
1. Pagkakarinig ng tibok ng puso ng sanggol (gamit ang stethoscope o iba pang instrumento)
2. Pagkakita sa sanggol gamit ang ultrasound
3. Pagkakita sa sanggol gamit ang x-ray (hindi karaniwang ginagawa)
Joy  Tayanes is currently in the Philippines
doc october 5,6,7,8, po nagka montly period po. october 13,14 po ako nakipag sex sa bf ko, withdrAW po. mabubuntis po ba ako ? doc. 28 cycles ko po. wait ko po aswewr niyo po
Jha Delos reyes is currently in the Philippines
Tanong lang po kinakabahan po kase ako , may baby na po ako 3years old na po sya , tapus may boyfriend din ako ngayun. Then October 10 po last na regla. Ko hangang oct.14 . Tapus hangang ngayun po wala parin po akong regla , last 3rd week of november ng PT po ako negative naman ang result . Ano po sa palagay nyo ?buntis po ba ako or sana naman hindi ..Help naman po salamat .
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity..
Hi poh doc possible ba na mabuntis pag nag sex kayo last day ng period mo o last spotting mo na poh??
Jea Londerio is currently in the Philippines
Gud day po doc. Itatanung ko lang po may PCOS po aq. Nggamot po ako ng provera at primolut. After po nun ngregular npo ung regla ko. Kea sv ng ob q mg-althea pills npo ako. 3months po akong gumamit ng althea. Ngdesisyon po kme ng asawa ko na magbuntis ako kea inaadvice ng ob q n uminum po aq ng metformin at may nreseta po skn n fertility para po mangitlog dw aq. Ngkaroon po ako nun feb. 10 ngstart npo ako uminum ng fertility at metformin pti mga vitamins para skn at s husbands ko nung feb.11,ngstop po regla q nung feb.13 po at ngcontact po kme ng asawa q ng feb.14,17,19,21,24,26 at march 4. Itanung q lng po doc. May posibilidad po bng mbuntis aq? Nkakaramdam po aq ng pagod at pg dalas ng ihi pti dn po ang paninigas ng puson q. Buntis npo kea aq. March 4-10 po ang expected regla q. posible po kea doc. Na mgbuntis ako ? Pls reply po doc..salamat po.
Lea Garcia is currently in the Philippines
Doc.magandang hapon po may tatanong lng po ako last na pagkaregla ko is january pa po march n po ngayon di pa ako dindatnan di pa po ako nagpptest.irregular po ako kya di ko po alm kung buntis ako o hindi di nmn po ako nagsusuka pero minsan naglalaway po ako maliban dun minsan parang naduduwal pero di nmn..
1 person likes this
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity..
Doc. 2months nakong di nag kakaron. Kasabay non yung madalas kong pag ihi. Lagi din akong gutom. at maaga akong inaantok. Posible bang buntis ako?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity..
hi doc, tatanong ku lang po kasi hindi po pare pareho ang dating ng menstruation ko pero po nung september 14, 2017 hindi po sinadya ng asawa ko naputok nya po sa loob . last menstruation ko nung july 12 - 18 may possibility po bang mabuntis ako pero po may lumalabas saken ngaun na parang ma.cream sya naka.color light yellow