Bakit mayroon akong Lisa o Kuto? Ano senyales o sintomas at sanhi ng Kuyumad?

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Papaano nga ba nagkakakuto ang isang bata?

Maaaring magkaroon ng kuto ang isang bata sa napakaraming dahilan:

- Pagdikit sa isang taong may kuto (ang personal na pagdikit ay karaniwan tuwing naglalaro, nasa eskwela, o mga aktibidad na isport, at sa eskwelahan, sa bahay, kapag makikitulog sa ibang bahay, o kapag may camping.)

- Ang pagsusuot ng mga damit na may kuto, tulad ng mga sumbrero, bandana, mga coat, unipormeng pang-isporta, o tali sa buhok

- Paggamit ng mga suklay, brush, o tuwalyang may kuto

- Paghiga sa kama, upuan, unan, karpet, o stuffed toy na kamakailang nagamit o napadikit sa taong may kuto (bagama’t may ebidensyang napakababa ng tsansang mangyari ito kapag mahigit 48 oras na ang lumipas mula sa pagkakadikit)


Ano ang hitsura ng kuto sa ulo?

Mayroong tatlong anyo ng kuto, na tinatawag na lisa, kuyumad, at kuto:

1. Lisa: Ang mga lisa ay mga itlog ng kuto. Mahirap makita at madalas na napagkakamalang balakubak o mga patak ng hair-spray ang mga lisa. Ang mga lisa ay mahigpit na nakakapit sa hibla ng buhok. Sila ay biluhaba at kadalasang may kulay na dilaw o puti. Tumatagal ng halos isang linggo bago mapisa ang mga lisa.


2. Kuyumad: Napipisa ang lisa para maging maliit na kuto na tinatawag na kuyumad. Mukha itong kuto ngunit mas maliit. Nagiging kuto ang mga kuyumad sa loob ng humigit-kumulang pitong araw matapos mapisa. Para mabuhay, kailangan ng mga kuyumad na sumipsip ng dugo.


3. Kuto: Ang malaking kuto ay kasinlaki ng buto ng linga, may anim na paa, at kulay kayumanggi, itim, abo o puti. Sa mga taong may maitim na buhok, mukhang mas maitim ang kuto nila. Ang mga babae ang nangingitlog; madalas silang mas malaki kaysa sa mga lalaking kuto.

Nabubuhay ang kuto nang hanggang 30 araw sa ulo ng tao. Para mabuhay, kailangan ng kuto na sumipsip ng dugo. Kapag nalalaglag ang isang kuto mula sa ulo ng tao, namamatay ito sa loob ng dalawang araw.


Saan karaniwang nakikita ang kuto sa ulo?

Ang kuto sa ulo ay kadalasang natatagpuan sa anit sa likod ng mga tainga at malapit sa batok. Kumakapit ang mga kuto sa buhok gamit ang mga kuko na tila may kawit na makikita sa dulo ng bawat isa sa kanilang anim na paa. Bihirang makita ang mga kuto sa katawan, pilik-mata, o kilay.


Ano ang mga senyales at sintomas ng pagkahawa sa kuto?

Ang mga senyales at sintomas ay ang:

- nakakakiliting pakiramdam na mayroong gumagalaw sa buhok;

- pangangati (dulot ng allergic na reaksyon sa mga kagat);

- Mga sugat sa ulo (dahil sa pangangamot)

- Ang mga sugat na ito sa ulo ay maaaring maimpeksyon;

- pagkakairita.


Paanong masasabing mayroong impestasyon o pagkalat ng kuto?


Makikita ang kuto sa pamamagitan ng malapitang pagtingin sa buhok at paghahanap ng mga lisa, kuyumad, o kuto. Maaaring maging mahirap ang paghahanap ng kuyumad o kuto; karaniwan ay kakaunti lamang sila, at mabilis silang nakakalayo mula sa mga naghahanap na daliri. Gayunman, ang pagkakaroon ng mga lisang malapit sa anit ay nagkukumpirmang mayroong impestasyon ng kuto sa isang tao. Kapag ang mga lisa ay matatagpuan sa mahigit ¼ ng pulgada mula sa anit, malamang na matagal nang nagkaroon ng impestasyon. Kung hindi ka sigurado kung may kuto o wala ang isang tao, dapat na masuri ng propesyonal sa kalusugan, nars sa eskwelahan, o isang propesyonal mula sa lokal na departamento sa kalusugan o serbisyo sa agricultural extension at siya mismo ang magsabi kung mayroon nga o wala. Makikita ang mga lisa ng kuto gamit ang microscope.


Continue reading: Ano ang Kuto o Lisa? Saan nanggaling ito?

Continue reading: Ano pinakamabisang gamot o lunas sa Kuto at Lisa?

Continue reading: Paano para hindi mahawaan ang anak at asawa ko sa Kuto?



About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)