Pagbibinata: Pagbabago sa Katawan ng Mga Lalaki, boses, katawan, buhok, tagihawat, tangkad

Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States

Pagbibinata– – isa itong napakakakaibang panahon. Nagbabago ang iyong katawan, gayundin ang lahat ng iba pa sa iyong buhay. Ngunit ano nga ba ang dahilan ng lahat ng pagbabagong ito?

Alam mo bang sinasabi ng halos lahat na ang pagbibinata ay punung-puno ng nag-uumapaw na hormones? Medyo totoo ang kasabihang iyon.

Biglang nagigising ang matagal nang tulog na mga hormones sa iyong katawan, na siyang nagbibigay ng senyales sa iyong katawan na pumasok sa punto ng pagbibinata. Maaaring isipin mong hindi ito gaanong mahalaga, ngunit ang mga hormone ang siyang nagdudulot ng mga pagbabagong dala ng pagbibinata.

- Kailan Nagbibinata

- Ari at Buhok sa Singit/Bulbol

- Paglaki

- Posibleng Paglaki ng Dibdib

- Pagbabago ng Boses

- Pagkakaron ng Balahibo

- Tagihawat



Kailan Nagbibinata

Hindi magkakasabay na nagbibinata ang lahat, at iba-iba rin ang tagal ng panahon ng pagbibinata para sa iba’t ibang tao. Maaari itong magsimula nang ‘sing aga ng 9 na taong gulang hanggang ‘sing huli ng 13 ½ taong gulang. Maaaring tumagal nang 2 hanggang 5 taon ang sunud-sunod na bahagi ng pagbibinata.

Minsan, mahirap ito para sa mga lalaki dahil mayroong ilan sa kanilang mga kaibigan na nagbibinata na o ‘di kaya ay tapos na sa pagbibinata bago pa man sila magsimula. Gayunpaman, walang paraan upang pabagalin o pabilisin ang prosesong ito, bagama’t dadaan at dadaan ang lahat sa pagbibinata, kaya huwag kang matakot dahil mangyayari rin ito sa iyo!

Nasa ibaba ang isang pangkalahatang time line ng mga pisikal na pagbabagong nagaganap habang nagbibinata ang mga lalaki:

Pangyayari

· Paglaki ng testicles at scrotal sac (bayag) : 10-13 years old

· Pagtubo ng buhok sa singit/bulbol : 10-15 years old

· Paglaki ng Katawan : 10-16 taon

· Paglaki ng Ari : 11-14 taon

· Pagbabago ng boses : Halos kasabay ng paglaki ng ari

· Bigote, balbas, buhok sa kili-kili : Nasa 2 taon matapos tumubo buhok sa singit

· Tagihawat : Halos kasabay ng pagtubo ng buhok sa kili-kili


Dagdag na Impormasyon sa Bawat Pisikal na Pagbabago

Ari at Buhok sa Singit/ Bulbol

Sa maagang bahagi ng pagbibinata, lumalaki ang bayag at maaari kang makaranas ng pamumula ng balat at mapapansin mong magbabago ang texture ng balat ng bayag. Maaaring magsimula nang tumubo ang buhok sa ibabang bahagi ng iyong ari.

Habang lumalaki ang bayag, humahaba naman at tumataba nang kaunti ang ari. Sa loob ng humigit-kumulang isang taon matapos magsimulang lumaki ang iyong ari, karamihan ng mga lalaki ay unang makakaranas ng paglabas ng similya. Sa ilang pagkakataon, nakakatakot ito para samga lalaki, ngunit natural lamang ito at bahagi ito ng proseso ng pagbibinata.

Kasabay nito, mapapansin mong mas maraming tutubo na buhok sa singit/bulbol at magiging mas maitim, magaspang, at kulot ito. Magpapatuloy sa paglaki ang ari, at magdedebelop ang ulo ng ari. Magiging mas maitim ang balat ng bayag at magpapatuloy din sa paglaki ang bayag.

Kapag buong nadebelop na ang ari, malamang na tumubo na rin ang mga buhok sa singit/bulbol na parang baligtad na tatsulok sa paligid ng iyong ari at malamang ding umabot na sa mga hita. Walang mabuti o natural na paraan ng pagpapalaki ng ari, at totoo ang kasabihang: hindi mahalaga ang sukat o laki nito.

Paglaki o Pagsibol

Maaari ring idulot ng pagbibinata ang biglaang paglaki, na nagreresulta sa karaniwang paglaki na humigit-kumulang 4.1 pulgada kada taon. Unang lalaki ang iyong ulo, mga kamay, at paa. Pagkatapos noon ay ang iyong mga braso at hita, at sa wakas ay ang iyong katawan at mga balikat upang maging angkop ito sa iyong buong katawan.

Posibleng Paglaki ng Dibdib

Habang nagbibinata, nakakaranas ang ilang kalalakihan ng kaunting paglaki ng dibdib, ngunit madalas na pansamantala lamang ito at nawawala rin matapos ang ilang panahon. Gayunpaman, kung hindi ito mawawala matapos ang pagbibinata at patuloy na nagdudulot sa iyo ng pag-aalala, magandang konsultahin mo ang iyong doktor.

Pagbabago ng Boses

Lumalalim ang iyong boses, at habang unti-unting nagaganap ang prosesong ito, maaaring maranasan mong pumiyok paminsan-minsan. Normal at natural lamang ito, kaya huwag kang mag-alala.

Balahibo sa Katawan

Unang lumalabas ang balahibo sa mukha sa mga gilid ng iyong labi sa itaas, at pagkatapos ay kumakalat sa labi sa itaas, sa itaas na bahagi ng pisngi, sa ilalim ng labi sa ibaba, at sa wakas sa mga gilid ng iyon mukha at iyong baba. Kasabay nitong tumutubo ang buhok sa kili-kili.

Tagihawat

Kasabay ng pagtubo ng buhok sa kili-kili, nagdedebelop naman ang iyong mga sweat at oil gland, na sa kalaunan, kapag nabarahan ay hahantong sa paglitaw ng tagihawat. Upang maiwasan ang pagkakaroon ng tagihawat, kailangan mong maghilamos nang dalawang beses, araw-araw. Kung madalas ka pa ring magkaroon ng mga tagihawat, magandang kumonsulta ka sa isang dermatologist.



Impluwensya ng Testosterone sa Pag-uugali ng Lalaki

Kapag nagbibinata ang isang lalaki, maaaring magdulot ng ilan sa mga sumusunod na pag-uugali ang pagdami ng testosterone sa kanyang katawan at utak:

- Masturbation o pagsasalsal (kung minsan ay maraming beses o madalas itong ginawa)

- Pagbangga sa mga bagay-bagay

- Pabago-bago ang mood at mas agresibo

- Pagtulog nang madalas

- Pag-iisip at pagpapantasya tungkol sa pagtatalik


- Wet dreams o hindi boluntaryong paglabas ng similya dahil sa erotikong panaginip


Continue reading: Emosyonal na pagbabago sa pagbibinata


Continue reading: Pagbabago sa katawan ng babae sa pagdadalaga


Continue reading: Epekto ng maagang pagbibinata o pagdadalaga


About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)