Diabetic Retinopathy, sira sa ugat ng mata, sensitibo sa liwanag, Remedy, symptoms, causes

Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates

Ano ba ang Diabetic Retinopathy?


Ang diabetic retinopathy ay isang komplikasyon ng diabetes na umaapekta sa mga mata. Ito ay ang pagkasira ng mga ugat sa mata na siyang sensitibo sa liwanag at responsible sa ating paningin. Ito ay karaniwang nakakabulag kapag hindi naagapan. Ito rin ay manifestasyon ng diabetes na umaapekto sa 80 porsyento ng lahat ng mga pasyenteng may sampung taon at higit pang mayroon nang diabetes. Kahit pa nakakalumo ang mga statiska na ito, may mga pagsasaliksik na nagsasabing 90 porsyento sa mga bagong kaso ay naaagapan kapag binigyan lamang ng kaukulang pansin at gamutan at pag-momonitor sa mata. Kung gaano katagal nang may diabetes ang isang tao, mas mataas rin ang kanyang tsansang magka-diabetic retinopathy. Kada taon sa Amerika, ang diabetic retinopathy ang responsible sa 12 porsyento ng mga bagong kaso ng pagkabulag. Siya rin ang siyang nangungunang dahilan ng pagkabulag ng mga taong edad 20 hanggang 64.



Ano ang Sanhi?


Ang sobrang asukal sa dugo ay nakakasira sa maliliit na ugat na nagbibigay nutrisyon sa “retina”. Maaari din nitong tabunan ang “retina” nang buong-buo. Sa pagdami ng pagdami ng mga ugat na natatabunan, ang retina ay nababawasan ng supply ng dugo. At ito ay maaaring mag-resulta sa pagkawala ng paningin. Bilang reaksyon naman sa pagkawala ng nagtustos ng dugo sa mga mata, ang mata ay sinusubukang magpatubo ng mga bagong mga ugat na daluyan ng dugo. Subalit ang mga ugat na ito ay hindi tumutubo nang wasto at madaling tumagas. Ang pagtagas na ito ay maaari ring maging sanhi ng pagkabulag. Mayroon ring lalabas na mga peklat na maaaring hilahin ang retina. At dahil dito, kung minsan, ang retina ng mata ay tuluyan nang natatanggal. Ang pagtaas ng asukal ay umaapekto rin sa mga “lenses” ng mata. Sa haba ng panahon na mataas ang lebel ng asukal sa dugo, namamaga ang “lenses” at nagdudulot ng panlalabo ng paningin.


As the term implies, it is very clear that diabetic retinopathy is a result of diabetes. The high level of glucose in the patient's blood can possibly damage the network of tiny blood vessels that supply blood to the retina (the light-sensitive layer of nerve cells at the back of your eye responsible for converting light into electrical signals for the brain to interpret it as images). During the early stage of diabetic retinopathy, the damage is limited to tiny bulges (microaneurysms) in the blood vessel walls. Thus, vision is not affected. However, in the late stages of the condition, fluid leaking from these microaneurysms may spread to the macula, which can cause swelling and some vision loss. Some of the factors that can predispose the patient to develop diabetic retinopathy are high blood pressure and the length of time the person has diabetes.




Ano ang Sintomas ng Diabetic Retinopathy?


Posible na magkaroon ng diabetic retinopathy at hindi mo malalamang meron ka pala nito. Sa katunayan pa nga, hindi talaga pangkaraniwan ang pagkakaroon ng sintomas dito habang bago pa lamang ito nagsisimula. Kapag ang kondisyon ay unti-unti nang lumulubha, ang mga sintomas ay ang pagkakaroon ng nakikitang “spots o floaters” sa paningin, malabong paningin, pabago-bagong kakayanan ng matang makakita, madilim na parte ng iyong “vision”, pagkabulag at hirap sa pagtukoy ng mga kulay. Ito ay karaniwan ring umaapekto sa kapwa dalawang mata. Ito rin ay may klasipikasyon na “early o advanced”, depende sa iyong sintomas na nararamdaman.


High blood glucose levels due to diabetes mellitus can damage the blood vessels and lead to certain complications such as diabetic retinopathy. It can affect anyone who has either type 1 or type 2 diabetes and the risk for developing this condition increases when blood sugar control is poor. It typically affects both eyes and patients with diabetic retinopathy may experience spots or dark strings floating in their vision (floaters), blurred and fluctuating vision, dark or empty areas in your vision, vision loss and difficulty with color perception.




Ano ang Lunas at Gamot?


Ang paglunas ay nagdedepende lalo na sa klase ng diabetic retinopathy. Maaapektuhan rin ang iyong gamutan sa kung gaano kalubha ang iyong retinopathy, at kung paano ito rumesponde sa mga nauna nang mga gamot. Sa “early diabetic retinopathy”, maaaring hindi mo muna kakailanganin ang gamutan sa lalong madaling panahon Subalit ang iyong doktor sa mata ay siguradong imo-monitor ang iyong mata upang matukoy kung kakailanganin mo ba ng gamot. Maaari mo ring tanungin ang iyong “endocrinologist” upang malaman ang mga paraan sa pagmanage sa diabetes. Mayroong magandang balita na kapag maayos lamang ang pagkontrol sa asukal sa dugo, dahan-dahan lamang na nagde-develop ang diabetic retinopathy. Para naman sa “Advanced diabetic retinopathy” kung tawagin, kakailanganin mo ng agarang operasyon. Ang mga pagpipilian ay ang “focal laser treatment”, “scatter laser treatment”, at “Virectomy”. Maaaring napigilan ang pagtutuloy-tuloy ng diabetic retinopathy sa pamamagitan ng operasyon ngunit dahil ang diabetes ay isang panghabang-buhay na kondisyon, possible pa ring mawalan ng paningin baling araw. Kaya naman kahit tapos na ang operasyon, kakailanganin mo ng regular na eksaminasyon sa mata.


In all cases, prevention is better than cure. Hence, it is recommended to maintain a normal blood glucose level to prevent diabetic retinopathy. Strictly follow the medication regimen and diet restrictions prescribed by your healthcare provider and engage in physical activities to promote optimum health. Exercise can assist in maintaining optimal weight and in facilitating peripheral glucose absorption. This can help improve diabetes control, which, in turn, can help reduce the complications of diabetes. On the other hand, some surgeries may also help to reduce the incidence of vision loss. In fact, the Early Treatment for Diabetic Retinopathy Study has found that laser surgery for macular edema reduces the incidence of moderate visual loss (doubling of visual angle or roughly a 2-line visual loss) from 30% to 15% over a 3-year period.


Home Remedies, natural cures, at Prevention o paano iwasan


Kung ikaw ay may diabetes, bawasan ang iyong tsansang magka-diabetic retinopathy sa pamamagitan ng pagsasagawa sa sumusunod tulad ng pagmanage sa iyong diabetes nang may sinsiridad. Palaging kumain ng masustansya at magsagawa ng ehersisyo araw-araw. I-monitor mo rin palagi ang iyong asukal sa dugo. Magtanong sa iyong doktor ukol sa “glycosylated hemoglobin test”. Marapat ring palagi mong kontrolin ang iyong blood pressure at cholesterol level. Kung ikaw ay naninigarilyo, tanungin ang iyong doktor kung paano ka makakahinto. At higit sa lahat, alagaan parati ang iyong paningin.


Ano ang Diabetes Mellitus at paano ito nakukuha?

Palaging nauuhaw, diabetes ba?

Ano sintomas, senyales, palatandaan ng Diabetes?

Maaari bang magka-baby pag may Diabetes?

Ano lunas at gamot sa Diabetes?


Ano ang ibat-ibang klase ng insulin?

About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.