Ano sintomas, palatandaan, senyales ng diabetes? Paano ko malalaman kung meron

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ang diabetes ay grupo ng mga sakit na nakakaapekto kung paano ginagamit ng katawan ang blood sugar (glucose). Importante ang glucose sa kalusugan dahil ito ang pinagmumulan ng enerhiya para sa mga cell na siyang bumubuo sa muscles at tissues. Ito rin ang punong pinagmumulan ng fuel ng ating utak. Kung ikaw ay may diabetes, ibig sabihin nito’y masyadong maraming glucose sa iyong dugo, at ang mga dahilan ay pwedeng iba-iba o di magkapareho. Maaring mauwi sa seryosong problema sa kalusugan ang pagkakaroon ng diabetes.

Ang malalang diabetes ay ang type 1 diabetes at type 2 diabetes. May mga kondisyon naman na maari pang maagapan tulad prediabetes----kapag ang iyong blood sugar ay mataas kaysa normal, pero hindi masyadong mataas para maging diabetes---at gestational, na nangyayari sa pagbubuntis pero maaaring maresolba pagkatapos ng panganganak.


MGA MAAGANG SINTOMAS NG DIABETES

Paano mo malalaman na ikaw ay may diabetes? Ang kadalasang sintomas ay ang pagkakaroon ng mataas na level ng glucose, kaysa normal.

Ang mga sintomas ay pwedeng mild lamang, na maaring hindi mamalayan, lalung-lalo na sa mga type 2 na diabetes. Hindi nalalaman ng ibang tao na sila ay may diabetes na pala hanggang sila ay nagkakaroon na ng mga problema ng pangmatagalang pinsala nito. Sa type 1 diabetes, mabilis na nangyayari ang mga sintomas, sa loob ng ilang araw o linggo. Ang mga sintomas na ito’y mas malala din.


Mga kadalasang sintomas

Ang dalawang tipo ng diabetes ay may mga parehong babala o sintomas.


Pagkagutom at pagkahapo. Ginagawang glucose ng katawan ang mga pagkain na ating kinakain, na ginagamit naman ng cells para sa enerhiya. Pero kailangan ng cells ang insulin para maipasok ang glucose. Kapag ang katawan ay kulang, o walang masyadong insulin, o kapag hindi tinatanggap ng cells ang insulin na ginagawa ng katawan, hindi nakakapasok ang glucose kaya wala kang enerhiya. Maaari kang gutumin at hapuin nito kaysa normal.


Madalas na pag-ihi ay pagkauhaw. Ang normal na pag-ihi ay apat hanggang pitong beses sa sa loob ng 24 oras, pero ang mga taong may diabetes ay higit pa dito. Bakit? Ina-absorb ng katawan ang glucose habang ito ay dumadaan sa iyong kidneys (bato). Pero kapag tinataas ng diabetes ang iyong blood sugar, maaaring hindi maibalik ng katawan ang lahat nito. Susubukan nitong alisin ang sobra sa pamamagitan ng paggawa ng maraming ihi, na nangangailangan ng tubig. Maaari kang mangihi ng mas madalas, at dahil dito, mas madals ka ring mkadama ng uhaw. Kapag madalas kang uminom, madalas rin ang pag-ihi.


Tuyong bibig at makating balat. Dahil gumagamit ang katawan ng tubig sa pag-ihi, kukunti na lang ang moisture sa ibang bahagi ng katawan. Pwede kang maging dehydrated at mararamdaman mong tuyo ang iyong bibig. Ang tuyong balat ay makati din.


Malabong paningin. Ang pabago-bagong fluid levels sa iyong katawan ay nagdudulot ng pamamaga sa lenses ng mga mata at nawawalan ito ng focus.


Infection sa Yeast. Parehong maaaring makuha ng lalaki at babae ito. Glucose ang kinakain ng yeast, kaya>>Ang mga infection ay pwedeng ay mangyari, saan man sa mainit at moist fold na bahagi ng balat katulad ng:


· Pagitan ng mga daliri sa kamay at paa

· Ilalim ng suso

· Sa palibot ng/sa ari mismo


Hindi naghihilom na mga sugat. Sa katagalan, ang high blood sugar ay nakakaapekto sa daloy ng dugo at pwedeng maging dahilan ng nerve damage kaya nahhirapan ang iyong katawan sa paghilom ng mga sugat.


Pagsakit o papamanhid ng mga paa o binti. Resulta din ito ng nerve damage.


Iba pang Sintomas ng Type 1


Hindi inaasahang pagbaba ng timbang. Kapag hindi nakakakuha ang katawan ng enerhiya sa iyong pagkain, nagsisimula nitong tunawin ang mga muscle at taba para sa enerhiya. Maaaring bababa ang timbang kahit wala kang binago sa mga kinakain mo.


Pagkahilo at pagsusuka. Kapag ang katawan ay tumutunaw na lang ng taba, gumagawa ito ng “ketones.” Delikado itong mamuo sa dugo at nagiging diabetic ketoacidosis na maaring ikamatay. Ang ketones ay nakakapekto sa iyong tiyan.


Ano ang Diabetes Mellitus at paano ito nakukuha?

Palaging nauuhaw, diabetes ba?

Ano ang Diabetic Retinopathy? Sanhi at sintomas

Maaari bang magka-baby pag may Diabetes?

Ano lunas at gamot sa Diabetes?


Ano ang ibat-ibang klase ng insulin?

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Kousei Perez
is a Student in the Philippines
kapag malamig po ba ang sahig at, lagi kang naka-paa, may posibilidad po bang mamanhid yung paa na para bang tinutusok?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
May sugat po ako sa paa nng Monday pa siya tapos natutuyo ang lalamunan ko kung minsan pero tamad ako uminum.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.