Ano Kahulugan ng aking Panaginip? Ano ibig sabihin o meaning Simbolo ng Dreams ko? Senyales, Ibig sabihin ng dream interpretation

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Ang unang hakbang sa pag-unawa ng mensahe na laman ng panaginip ay ang pagtanong sa ating sarili kung makabuluhan ba o kaya’y wala namang ibig-sabihin ang napanaginipan. Ang mga panaginip na may ibig ipahiwatig ay karaniwang nagaganap sa mga oras na pinakamahimbing na parte ng ating pagtulog, pagkaraan ng 2-3 na oras ng ating pagtulog. Subalit, marami ring makabuluhang panaginip ang maaaring maganap sa anumang oras.

Image courtesy: John Anster Fitzgerald creator QS:P170,Q732540, Dreams - Fitzgerald, marked as public domain, more details on Wikimedia Commons

Sa loob ng isa hanggang tatlong oras o higit pa gabi-gabi, ang bawat isa sa atin ay nananaginip. Kung minsan, agad nating naiintindihan ang ibig sabihin nito. Kung minsan naman ay napakalabo ng mensahe nitong dala.

Subalit, hindi palaging ganoon kasimple intindihin ang mga panaginip. Kaya naman mas nagiging kamangha-mangha ang pag-aaral ng pagpapaliwanag ng panaginip o dream interpretation. Ganunpaman, may iba’t-ibang kultura at tao sa mundo ang nag-uulat ng magkakapare-parehong panaginip kaya naman marami ang nagkaka-interes na pag-aralan ang mga pahiwatig nito.

Hindi maaaring bigyan ng iisang kahulugan lamang ang bawat simbolo na makikita sa panaginip, ngunit may mga simbolong na may angkop na kahulugan ayon sa mga dalubhasa, dahil karaniwan silang lumalabas sa panaginip ng iba’t-ibang tao sa mundo. Narito ang madalas na imahe na karaniwang makikita sa panaginip at ang kanilang pahiwatig o maaring maisaliwalat:

1. Para kang hinahabol
Ito ay isa sa mga pinaka-karaniwang napapaulat na panaginip. Dahil wari’y totoo ang nararamdaman nating takot habang hinahabol, kaya naman mas madali nating natatandaan ito. Madalas nagmumula ang ganitong panaginip dahil may tinatakasan tayong bagay. Kung nananaginip ka ng ganito, maaaring meron kang mahalagang bagay na kailangang tapusin ngunit nakalimutan mong gawin. Read more...

2. Tubig
Ang tubig ay madalas kumakatawan sa ating emosyon at malalim na kamalayan. Ang kalidad ng tubig (malinaw kontra sa malubog; mahinahon laban sa mapusok) ay may ibig ipahiwatig kung nadadala ba natin ng wasto ang ating emosyon. Read more...

3. Pera 
Sa panaginip, karaniwang sumisimbolo ang pera sa kapangyarihan, kayamanan, kaginhawaan, kahalagahan ng sarili, tagumpay, o kumpyansa sa sarili. Ngunit kahit ano pa man ang... Read more...

Namumulot ng pera
- Ang panaginip na namumulot ng pera ay nagpapahiwatig ng isang mahusay na pangitain. Madalas ito ay sumisimbolo ng kapangyarihan, kayamanan, kaginhawaan, kahalagahan ng sarili, tagumpay, at kumpiyansa sa sarili. Magbasa pa...

4. Ibang tao o Estranghero
Kapag nakakakita ka ng ibang tao sa iyong panaginip, karaniwan ito ay sumasalamin sa isang parte ng iyong sarili. Sila ay maaaring may kaugnayan sa mga katangian na hindi mo pa nahahasa. Kung minsan, ang taong nakikita mo sa iyong panaginip ay may direktang kaugnayan sa nangyayari sa totoong buhay. Ang pagkakaroon ng kasintahan sa panaginip ay sumasalamin sa aspeto ng sarili na gusto nating mas mapaunlad pa ng husto. Read more...

5. Eskwelahan o Silid-aralan
Napaka-karaniwang sitwasyon sa mga panaginip ang makita mo ang iyong sarili sa loob ng silid-aralan habang sinasagutan mo ang pagsusulit na hindi mo napag-handaan. Ito ay malaking halimbawa ng “dream pun” – ang paggamit ng isipan ng salita o konsepto at pagbibigay dito ng ibang kahulugan. Ang aralin o pagsusuri na hinaharap natin sa klasrum ay kadalasan isang bagay na kailangan nating matutunan habang nagbabalik-tanaw sa ating nakaraan. Read more...

6. Pagka-paralisa o hindi makagalaw
Hindi batid ng halos lahat ng tao, ang katawan ay aktwal na nakakaranas ng isang klase ng paralisis na pumipigil sa atin na magawa ang isang bagay sa ating panaginip, sa gayon, ang madalas na pananaginip ng paralisis ay kumakatawan sa pag-aabot ng “Rapid Eye Movement” at ganap na pagkagising na mga parte ng pagtulog. Ang ganitong panaginip ay nangangahulugan ng kakulangan natin ng kontrol sa maayos na pagpapatakbo ng ating aktibong buhay. Read more...

7. Kamatayan
Bagamat ang kamatayan ay madalas napagkakamalang negatibo, ito ay mas malimit na direktang may kaugnayan sa malaking pagbabagong magaganap sa ating buhay – ang katapusan ng isang bagay, upang mabigyang-daan ang isang pagbabago. Read more...

8. Panganib 
Kapag ikaw ay nanaginip ng nasa isang delikado o peligrong sitwasyon, maaaring nagpapahiwatig ito ng babala tungkol sa mga hakbang at plano sa buhay sa kasalukuyan.
Read more...

9. Demonyo 
Ang demonyo o diyablo ay isang negatibong ispirito. Ito na siguro ang elemento o panaginip na ayaw nating maranasan. Ngunit ang isang panaginip ay hindi natin kayang iwasan.  Read more...

10. Paglipad o Lumilipad
Ang paglipad sa isang panaginip, at kung gaano ito kahusay o kapangit isinagawa, ay may kaugnayan sa kontrol at tiwala natin sa sarili na makamit ang mithiin natin sa buhay. Ang mataas na paglipad ay isa sa pinaka-nakakatuwang panaginip, subalit ang paglipad naman nang mababa o pagkasabit sa mga balakid tulad ng linya ng kuryente, ay talaga namang nakakalungkot. Read more...

11. Pagkahulog o Nahuhulog
Hindi lahat ng panaginip ng pagkahulog ay nakakatakot at negatibo. May nag-ulat ng pagranas ng mabagal na pagkahulog at dahil dito ay nakaramdam siya ng kapayapaan sa sarili. Madalas, ang mabilis na pagkahulog mula sa mataas na lugar ay nagpapahiwatig na hindi natin kontrolado ang ating buhay. Read more...

12. Nakahubad
Ang emosyonal o saikolohikal na kahinaan ay karaniwang ipinahahayag sa ating panaginip bilang pagiging hubad. Ang parte ng katawan na nakalabas ay may koneksyon sa emosyon na tinatago-tago natin at gusto nating ilahad sa iba. Read more...

13. Halik - Ang halik ay simbolo ng pasyon, pagnanais, pagmamahal o pakikipagkaibigan. Para lubos nating maunawaan ang ibig sabihin ng halik sa iyong panaginip dapat malaman natin kung sino ang nakahalikan, saang parte ng katawan ang hinalikan, at kung anong klaseng halik ito. Read more...

14. Sanggol o Baby
Ang pananaginip ng sanggol ay nagpapahiwatig na may bago. Maaari itong bagong ideya, bagong proyekto at trabaho, o potensyal na pag-unlad sa isang aspeto ng sarili.

15. Pagkain
Ang pagkain ay sumasagisag sa enerhiya, kaalaman, emosyon at spirituwalidad. Ito ay maaari ring sumasalamin sa pagiging gutom natin sa mga bagong impormasyon at karunungan.

16. Bahay
Ang mga bahay kadalasan ay kumakatawan sa ating isipan. Ang iba’t-ibang kwarto sa bahay ay maaaring may kaugnayan sa iba’t-ibang aspeto ng sarili at iba’t-ibang antas ng kamalayan. Ang silong ng bahay ay karaniwang kumakatawan sa napabayaan, o hindi namamalayang parte ng buhay, habang ang silid-tulugan naman ay kumakatawan sa pinakatinatago-tago nating saloobin at damdamin.

17. Pakikipagtalik o Sex
Ang usapin tungkol sa pakikipagtalik ay sadyang tanggap na ng ating lipunan. Napakahalagang usapin din ito tungkol sa mga mag-asawa o magkarelasyon. Kaya’t hindi na bago kung ang isang tao ay mananaginip tungkol sa pakipagniig. Ang pakikipagtalik sa panaginip ay isang simpleng paglalahad ng sekswal na saloobin. Subalit ang mga panaginip tungkol sa sex ay maaari ring simbolo ng malalim na koneksyon sa iyong sarili at sa ibang tao. Read more...

18. Buntis o nagdadalang taoSinisimbolo ng panaginip tungkol sa pagbubuntis ang isang bagong simula sa buhay o mayroon aspeto sa iyong personal na buhay na umuusbong o lumalago. Maari din na ang pagbubuntis sa iyong panaginip ay isang panibagong ideya, direksyon, proyekto o layunin.  Read more...

19. Dating kasintahan, dating minamahal o Ex 
Naghahayag daw o lantarang nagsasabi ang panaginip ng kasalukuyang nilalaman ng iyong puso na hindi mo mabigkas. Kapag ang napapanaginipan mo ay ang iyong dating kasintahan o ex, ibig sabihin ay marami kang kinikimkim sa iyong puso na dapat mong pagnilayin. Magbasa pa

20. Kinagat ng aso 
Kung ikaw ay nanaginip na yayakapin mo sana ang aso, pero bagkus ay kinagat ka. Pagkatapos ay bigla ka na lang nagising na pawisan, na nakakaramdam ng takot habang ang hapdi ng kagat ng aso ay ramdam na ramdam mo sa katawan mo. Ang malaking katanungan na sasagi sa kaibuturan ng yong isip ay: 'Ito ba ay isang panaginip lamang o may mas malalim na kahulugan sa kagat ng aso?' Magbasa pa

21. Apoy 
Ang apoy ay simbolo ng pagkalinis, pagkadalisay at pagbabagong lakas. Makapangyarihan ang apoy pwede kang patatagin o pwede ka rin nitong sirain. Ang apoy ay simbolo din ng digmaan, pagsalakay at pangkalakasang lalaki. Kaya naman upang maunawaan ang ibig sabihin ng apoy sa iyong panaginip kailangang tandaan ang mga detalye nito. Magbasa pa

22. Umiiyak  
Ang luha ay simbolo ng pagkahabag, panlunas ng emosyon at panghugas sa aspetong ispiritwal. Dahil sa iba't ibang kadahilanan kung bakit tayo umiiyak tunay nga namang mahirap maunawaan kung ano ang interpretasyon ng ating panaginip. Magbasa pa...

23. Mga Sasakyan
Mapa-kotse, eroplano, tren o barko, ang mga sasakyan sa ating panaginip ay sumasalamin sa anong direksyon patungo ang ating buhay, at kung may kontrol ba tayo sa kung saan tayo patungo. Ibig ipahiwatig ng sasakyan sa ating panaginip na may kakayanan tayong umunlad dahil kontrolado natin ang ating buhay. Ito rin ay may pahiwatig sa mga problema kailangang harapin at lampasan.

24. Nawawala o naliligaw o na-late - Ikaw ba ay nawawala, may hinahanap o hindi alam kung saan pupunta?  Magbasa pa...

25. Gagamba o Spider 
Ang gagamba ay simbolo ng iyong pagkababae o mga babaeng dominante na may malaking impluwensya sa iyong buhay.  Upang lubos na maunawaan ang kahulugan ng iyong panaginip kailangang alalahanin ang bawat detalye nito.  Read more...

26. Nagloloko ang asawa o syota - Wala ng ikakasira ng araw na nagising ka at nagkaroon ng masamang panaginip. Lalo na kung ang panaginip mo ay tungkol sa mga malalapit na kaibigan o di kaya ay pamilya. Mas nakakainis kung ang napanaginipan mo ay kung paano nagtaksil ang asawa mo sa iyo. Hindi mo pa rin maiwasan na mainis kahit na alam mo kung gaano ito katapat sa’yo. Read more...

Sa kabila ng pagkakapare-pareho ng maraming simbolo ng panaginip, importanteng bigyang-pansin na ang taong nananaginip ang siya lamang tunay na makakaintindi sa kanyang panaginip at paanong ang mga simbolong ito at ang kanilang pahiwatig ay maiuugnay sa tunay na buhay.

Ang mga panaginip na naaapektuhan ng ating kapaligiran ay walang kahulugan at hindi importante sa atin. Halimbawa, ang isang panaginip na umiikot lamang sa isang pisikal na kondisyon tulad ng tunog o paggalaw ay hindi ganoon kalalim ang kahulugan. Madalas, ang mga nananaginip ay karaniwang binibigyang-kahulugan ang kanilang nararamdaman sa totoong buhay at nasasalin ang mga ito sa kanilang panaginip.

Halimbawa, ang taong dahan-dahang nahuhulog sa kanyang higaan habang siya ay natutulog ay maaaring nananaginip na siya ay nahuhulog mula sa isang napakataas na gusali. Ang kanyang isipan ay binibigyang-kahulugan ang pisikal na kaganapan na pagkahulog mula sa kanyang higaan, at ginagawa itong pagkahulog mula sa gusali sa panaginip. Sa isang banda, ang mga tunog sa paligid ay maaari ring pumasok sa ating panaginip. Ang tao ay maaaring makarinig ng tunog ng kalembang ng “bells” sa kanyang panaginip dahil nag-ri-ring ang kanyang telepono habang siya ay natutulog.

Ang mga pangyayari sa totoong buhay tulad ng pagkawala ng isang mahal sa buhay o takot ay maaari ring magdulot ng malaking epekto sa ating panaginip. Ito ang eksplanasyon kung bakit nagkakaroon ng bangungot ang mga tao matapos silang manood ng nakakatakot na pelikula. Ang emosyon at takot na naranasan mula sa panonood ng horror film, ay maaaring maipahayag ng direkta sa ating panaginip.


References:

Price, M. (2009, April). You are what you dream. Retrieved from https://www.apa.org/monitor/2009/04/dream

Bernstein, D. (2018, July 30). Myth: Traumatic memories are often repressed and later recovered. Retrieved from https://www.psychologicalscience.org/uncategorized/myth-traumatic-memories-are-often-repressed-and-later-recovered.html

American Sleep Association. (n.d.). Dreams - What they mean and psychology behind them. Retrieved from https://www.sleepassociation.org/about-sleep/dreams/

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

This post has been closed for comments and replies. To ask a related or new question, please post a new question below.
nanaginip ako na nakita ko ang sarili ko
pumasok ako sa isang bahay na kakilala (pero in real ang taong un hindi ko kilala)
pag pasok k sa bahay may nakita akong babaeng nakahiga sa kama lumapit ako, ng malapit na ako nagulat ako kase ang babaeng nakahiga ay ako
hindi ako natakot kaya lumapit pa ako ng medyo close na ako bigla nalang syang dumila at nakatingin lang siya sakin tapos bigla akong nagising

ano ibig sabihin non?
Recommend Report abuse
dumilat hindi dumila
Recommend Report abuse
Ariane Cayabyab
is in Malaysia
naginip po ako binigyan dAw po ng pera....at lumilipad na lobo puti habang sa panaginip ko iniicip ko daw mga anak ko...ano meaning nito ....slamat po
Recommend Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Nanaginip ako eroplano tapos nakatanggap ako ng ticket ng eroplano sa set number ko nakalagay ay ganito Seat number: front head tapos meron isang lesbian sa panaginip ko magkarelasyon daw kami tapos against both parents namin sa aming relasyon kaya pinadalhan daw ako ng ticket para ilayo ako sa karelasyon Kong lesbian then malungkot ako sa panaginip ko pero sabi sa akin ng jowa ko tatawagan kita wag kana malungkot yun ang huling sinambit niya bago ako nakasakay ng eroplano nun NASA taas na ako grabe ang kaba ko.. Ano po ang ibig sabihin nito?
Recommend Report abuse
Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines
Panaginip tungkol sa pagkakaroon ng relasyon sa tomboy- Kilala mo ba ang sinasabi mong karelasyon na tomboy sa panaginip mo? Maaring lagi kayo magkasama o di kaya ay naa-attract ka sa kanya.

Tungkol sa paglipad mo sakay ng eroplano, may posibilidad na may darating na malaking opportunity sa buhay mo. Huwag matakot at mag-alinlangan.
Recommend Report abuse
Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines
Panaginip sa puting lobo- Nananaginip ka na may nagbigay sayo ng pera. Isa sa mga posibilidad ay magiging masaya ka kung meron kang pera. Masyado ka nag-aalala sa usaping pinansyal sa buhay mo. Ang puting lobo na nakita mo ay nagsisimbolo na may problema. Hindi mo na alam kung ano ang solusyon kaya hinayaan mo na lang ito. Dahil sa sitwasyon mo, naiisip mo ang magiging kalagayan ng anak mo. Ang kanilang kinabukasan.
Recommend Report abuse
Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines
Nakita mo ang sarili sa panaginip at pumasok sa bahay - Sa panaginip mo nakita mo ang sarili mo, ito ay sumisimbolo na sarili mong katauhan. Pinapakita lang nito na kailangan mo makipag-kaibigan. Siguro nasa sitwasyon kana na lagi nag-iisa at madalas solo sa mga lakad. Mas mainam na kausapin mo ang sarili mo sa susunod na mapanaginipan mo ulit.
Recommend Report abuse
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.